Bagyong Hanna lalakas; isa pang bagyo at isang LPA binabantayan ng PAGASA

Halos hindi kumikilos ang Tropical Storm Hanna na huling namataan ng PAGASA sa layong 815 kilometers east ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 na oras ang bagyong Hanna ay lalakas pa at magiging isang Severe Tropical Storm.

Bago tuluyang lumabas ng bansa sa Biyernes ay maaring umabot pa ito ng Typhoon Category.

Isa namang bagyo na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA mababa naman ang tsansa na pumasok ito sa bansa.

May binabantayan ding LPA ang pagasa na nasa kanlurang bahagi ng bansa. Hindi naman inaasahang magiging bagyo ang nasabing LPA.

Ang Habagat na patuloy na hinahatak ng bagyong Hanna ang naghahatid ng mga pag-ulan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, uulanin ngayong araw ang western section ng Luzon at western Visayas ng dahil sa Habagat.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa sandaling makalabas ng bansa ang bagyong Hanna, sinabi ng PAGASA na patuloy nitong hahatakin ang Habagat at makapagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Read more...