Sa heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA, alas 4:30 ng umaga ng Martes (Aug. 6) muling itinaas ang orange rainfall warning sa Oriental Mindoro at sa Northern portion ng Palawan.
Yellow warning naman ang nakataas sa nalalabi pang bahagi ng Palawan.
Babala ng PAGASA, ang mga apektadong lugar ay maaring makaranas ng pagbaha at landslides.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na imonitor ang sitwasyon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.
MOST READ
LATEST STORIES