24 bahay natupok ng apoy sa Kidapawan City

Natupok sa sunog ang 24 na bahay sa Brgy. Poblacion, Kidapawan City, araw ng Lunes.

Ayon kay Kidapawan disaster risk reduction and management council action officer Psalmer Bernalte, nagsimula ang sunog bandang alas-8:30 ng umaga sa isang bahay sa Mariano Cuenco Street.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Ayon sa mga residente, isang circuit breaker na sumabog ang pinagmulan ng sunog.

Kasalukuyang nanunuluyan sa covered court ng Barangay Magsaysay ang mga nasunugang pamilya.

 

Read more...