2020 budget target ipasa ng Kamara bago ang session break sa Oktubre

Pipilitin ng Mababang Kapulungan na maipasa bago ang kanilang session break sa Oktubre ang 2020 National budget.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, nagpulong na sa Malakanyang ang small group ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) kung saan pinag-usapan ang mga prayoridad na maipasang mga panukala.

kabilang na rito sina Senate President Tito Sotto, House Speaker Alan Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Sec. Janet Abuel.

Kabilang anya sa napag-usapan ang 2020 budget kung saan sa kanilang timeline ay aaprubahan ito sa ikatlong pagbasa bago ang October 5.

Target ding maipasa bago ang session break sa Oktubre ang panukalang dagdag na buwis sa inuming nakalalasing, pagtatatag ng Department of OFW at Citira Law o ang pagbibigay ng tax incentives sa mga negosyo.

 

Read more...