Ito ay dahil sa isyu ng misrepresentation.
Sa kanilang 25-page decision, sinabi ng 1st division ng Comelec na malinaw na limitado lamang mula 25 hanggang 30-anyos ang pwedeng maging kinatawan ng youth sector sa kongreso.
Sa records ng Comelec ay lumilitaw na 34-anyos na si Cardema.
“In view thereof, the Commission finds Respondent to have committed material misrepresentation on his qualifications,” ayon sa desisyon ng Comelec First Division.
Sa kanyang tugon ay ikinatwiran naman ni Cardema na ang Duterte Youth ay kumakatawan rin sa mga young professionals at hindi ito limitado sa sektor ng mga kabataan.
Ang 2-0 vote ng Comelec 1st division ay pirmado nina Commissioners Rowena Guanzon Marlon Casquejo habang on-leave naman si Comm. Al Parreno.