Nauna na kasing lumabas ang mga ulat na gusto ng China na maglagak ng negosyo sa tatlong strategic islands sa Hilagang bahagi ng bansa para gawing economic at tourism zones.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, wala pang isinusumite na report ang dalawang kalihim.
Base sa exclusive report ng Philippine Daily Inquirer, tinatarget ng Chinese investors na maglagay ng negosyo sa mga isla sa Fuga sa Cagayan, Grande at Chiquita sa Subic Bay, Zambales.
Kasabay nito, pumalag ang palasyo sa batikos ni international maritime law expert Jay Batongbacal na naka-focus lamang aniya ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdadala ng pera sa bansa at hindi ang long term effects ng mga proyekto.
Ayon kay Panelo, ang problema kay Batongbaca ay wala nang nagawang mabuti ang administrasyon kaugnay sa isyu sa China.
Tiniyak rin ng Malacanang na titiyakin nila ang interes ng publiko sa anumang negosyo na papasok sa bansa mula sa mga foreign investors.