Ito ang kinumpirma ngayon ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Papalitan ni Avisado si Acting Secretary Janet Abuel.
Si Avisado ay una nang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Presidential assistant para mangasiwa sa resettlement ng mga pamilyang tinamaan ng bagyong Yolanda noong 2013 sa Visayas Region.
Naging National president din ng Boy Scout of the Philippines si Avisado.
Samantala babalik naman bilang Undersecretary for legal affairs si Abuel.
Una nang nabakante ang pwesto sa DBM matapos italaga ni Pangulong Duterte si dating Secretaary Benjamin Diokno bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
===