Julia Barretto nagsalita na kaugnay sa panibagong isyu na kinakaharap kasama ang dating boyfriend na si Joshua Garcia

Nagsalita na si Julia Barretto ukol sa panibagong isyu na kinakaharap kasama ang dating boyfriend na si Joshua Garcia.

Sa social media, itinuturo ng ilang netizen si Julia na may kasalanan kung bakit mag-isa si Joshua sa idinaos na after-party ng “ASAP NATIN ‘TO” sa California, USA.

Sa Twitter, nilinaw ng aktres na hindi niya iniwan si Joshua.

Mismong si Joshua aniya ang humiling na kumain at makipaghalubilo nang mag-isa.

Pagdidiin pa ni Julia, nakapagtataka kung bakit kinakaawaan ang onscreen partner at siya ang sinisisi gayung desisyon naman ng aktor ang nangyari sa party.

Masyado aniyang natutuwa ang mga tao sa pagbibigay ng koneksyon sa mga bagay para lamang makabuo ng istorya.

Dagdag pa nito, okay si Joshua at nag-enjoy sa party.

Read more...