Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kontrolado ang sitwasyon sa Negros Island.
Ito ay kasunod ng serye ng patayan sa probinsya kabilang ang karumal-dumal na pagpatay sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental.
Sa panayam ng Radyo Inquirer ay sinabi ni Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, walang dapat ikabahala ang publiko dahil sa kontrolado ng pulisya ang sitwasyon sa lugar.
Maaari aniyang ituloy ng mga residente ang kanilang normal na aktibidad araw-araw.
Matatadaang noong araw ng Sabado, naaresto ang dalawang hinihinalang rebelde na posibleng may kinalaman sa pamamaslang sa apat na pulis sa bayan ng Ayungon.
Sinabi ni Banac na hindi magkaka-ugnay ang mga naganap na serye ng patayan sa lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES