Kapuso actress Isabelle De Leon sasali sa Miss World Philippines 2019

Sasali ang Kapuso actress na si Isabelle De Leon sa 2019 Miss World Philippines.

Gamit ang Instagram account, kinumpirma ng aktres ang pagsali sa beauty pageant para subukang sungkitin ang korona bilang Miss World Philippines ngayong taon.

Sinabi ni Isabelle na papatunayan niya ang kaniyang pagiging isang “Beauty with a Purpose.”

Hinikayat naman ng aktres ang mga tagahanga at follower na samahan siya sa lahat ng pagdadaanan sa naturang beauty pageant.

Unang nakilala si Isabelle sa mga TV series na “Daddy Di Do Du.”

Read more...