Dr. William Dar itinalaga ni Pangulong Duterte bilang acting DA secretary – Medialdea

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dr. William Dar, dating director-general ng International Crops Research Institute for the Semi-Arid Tropics (ICRISAT) bilang acting secretary ng Department of Agriculture (DA).

Ito ang kinumpirma ngayon ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Papalitan ni Dar si Agriculture secretary Manny Piñol na itinalaga naman ni Pangulong Duterte bilang kalihim ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Si Dar ay dati ng kalihim ng Department of Agriculture noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Court of Appeals Justice Rodil Zalameda bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.

Pupunan ni Zalameda ang posisyon ni Associate Justice Mariano del Castillo na nagretiro noong July 29 matapos umabot sa mandatory retirement age na 70.

Read more...