Malakanyang dumistansya sa away nina ES Medialdea at Special envoy to China Ramon Tulfo

Hindi na makikiaalam ang Palasyo ng Malakanyang sa away nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Special envoy to China Ramon Tulfo.

Pahayag ito ng Palasyo matapos kasuhan ng libel ni Medialdea si Tulfo sa Department of Justice (DOJ) dahil sa malisyosong artikulo sa pahayagan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, personal na away na ito ng dalawang opisyal at hindi na makikisawsaw ang Palasyo.

Nakabinbin na aniya ang kaso sa korte kung kaya marapat lamang na hindi na magbigay ng komento ang Palasyo.

Sa artikulo ni Tulfo, inaakusahan nito na si Medialdea na benefactor ni Sandra Cam at mayroong unholy alliance ang dalawa.

Sinundan pa ito ng isa pang artikulo ni Tulfo at sinabing hinarang ni Medialdea ang P272 milyon na reward money para sa isang felecito mejorado na nag tip o nagbigay ng operation kaugnay sa smuggling operation sa Mariveles, Bataan noong 1997.

Nakasaad sa artikulo na Tulfo na base sa salaysay ni Mejorada, isang taon ng nakabinbin sa tanggapan ni Medialdea ang kanyang reward money.

Read more...