Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon patuloy na uulanin – PAGASA

Patuloy na uulanin ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon ngayong hapon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:26 ng tanghali, makararanas ng katamtaman hanggang matinding buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Pampanga.

Ayon sa weather bureau, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng pag-ulan ang bahagi ng Moncada, Paniqui, Anao at Gerona sa Tarlac.

Inabisuhan naman ang mga residenteng maaapektuhan na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Read more...