Pinagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ni Marino Rep. Sandro Gonzalez ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (Marina) kaugnay sa pagtaob ng tatlong pampasaherong bangka sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon kay Gonzalez, kailangang mapanagot ang dapat managot sa trahedya na ikinasawi ng 31 indibidwal.
Kailangan din anyang malaman kung sapat ang protocol na pinapairal upang maprotektahan ang mga pasahero ng mga sasakyang pandagat tuwing masama ang panahon.
Magsilbing aral din anya ang insidente na pinayagan ang mga bangkang pumalaot upang hindi na maulit ang trahedya.
Kinukwestyon din ng mambabatas kung bakit hinayaang maka-biyahe pa ang ikatlong bangka gayung ang nauna rito na dalawa ay tumaob na.
Iginiit ni Gonzalez na dahil sa trahedya panahon na upang isagawa ang modernisasyon sa Maritime Industry ng bansa.