2 kolektor ng iligal na sugal na “swertres” arestado sa Naga City, Cebu

Pinalakas pa ng otoridad ang kampanya laban sa iligal na sugal at mga pasugalan sa Cebu City.

Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa dalawa katao dahil sa iligal na sugal na “Swertres” sa Naga City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Nico Jay Estemera, 20 anyos ng Davao City at Luisito Manacap, 54 anyos ng Barangay Inayagan, Naga City.

Ang dalawa ay nahuli ng mga nagpapatrulyang pulis sa dalawang magkahiwalay na lugar habang nagbibilang ng taya.

Nakumpiska sa dalawa ang dalawang bundles ng PCSO Peryahan Lucky Tress, mga ballpens, stub collection report at P300 na cash.

Ang dalawa ay nakakulong na ngayon sa Naga City Police at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Read more...