Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hihintayin na lamang ng pangulo ang magiging rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III kung maari nang gamitin o hindi ang dengvaxia vaccine sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa.
Bukod dito, sinabi ni Panelo na may kinuha ng pathologist experts si Pangulong Duterte mula sa Asian countries noong nakaraang taon para pag aralan ang dengvaxia vaccine, pero sa ngayon aniya ay hinihintay pa ito ng pangulo.
Habang hindi ginagamit ang dengvaxia, sinabi ni Panelo na tutukan ngayon ng pamahalaan ang prevention para hindi na madagdagan pa ang kaso ng dengue.
Sa talaan ng DOH, pumalo na sa mahigit 100,000 kaso ng dengue ang naitala ngayong taon.
Una rito, sinabi ni Panelo na maaaring kasama sa agenda ng cabinet meeting ngayon ang usapin sa dengvaxia vaccine.