4 arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang apat na katao sa ikinasang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City.

Isinagawa ng mga tauhan ng QCPD station 7 sa isang Apartelle sa Barangay Silangan.

Target ng operasyon ang isang hinihinalang tulak ng droga na dati na ring nakulong dahil din sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Nang mag-positibo ang buy-bust ay nadatnan pa sa Apartelle ang tatlong parokyano ng suspek.

Nakuha sa kanila ang anim na sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Read more...