Bahagi ng isang gusali sa Cebu City gumuho

Gumuho ang bahagi ng isang 4-storey building sa Barangay Kamputhaw, Lunes (Aug. 5) ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, naganap ang pagguho alas 2:00 ng madaling araw.

Ang likurang bahagi ng isang gusali ang gumuho na katabi lamang ng isang ginagawang condotel.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung ano ang naging sanhi ng pagguho.

Ayon sa CDRRMO, ang naapektuhang bahagi ng gusali ay inookupa ng isang bangko.

Read more...