US President Donald Trump tiniyak na tutugunan ang mga insidente ng mass shooting sa Amerika

Matapos ang dalawang magkasunod na insidente ng mass shooting sa Amerika, sinabi ni US President Donald Trump na tutugunan ito ng kaniyang pamahalaan.

Ayon kay Trump, sa ngayon ay nakikipag-usap na siya sa FBI Director, attorney general at sa mga miyembro ng kongreso.

Matapos ang pag-uusap mag-iisyu siya muli ng statement hinggil sa insidente.

Sinabi ni Trump na maaring mental illness problem ang ugat ng dalawang pamamaril.

Ayon kaky Trump ilang taon nang problema sa Amerika ang mga ganitong insidente ng pamamaril at kailangan na itong mahinto.

Read more...