Water level ng Angat dam sumampa na sa 168-meter level

Sumampa na sa 168-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw, sinabi ng PAGASA Hydrology Division na nasa 168.33 meters ang water level ng Angat dam.

Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 75.34 meters.

Ang iba pang dam gaya ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Caliraya ay pawang nadagdagan ang antas ng tubig.

Ang Ipo dam naman ay bahagyang nabawasan at ngayon ay nasa 100.93 meters ang water level.

Nawasan din ang water level ng Binga at Magat dams.

Read more...