Naval, Biliran niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 6 kilometers southeast ng Naval, alas 5:21 ng umaga ng Lunes, Aug. 5.

6 kilometers lamang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity III sa Naval, Kawayan, Biliran at sa Almeria, Biliran at Instrumental Intensity I sa Bogo City, Cebu at sa Ormoc City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...