Sa anunsyo ng Star Cinema madaling-araw ng Lunes, umabot na sa P250,040,718 ang kinita ng pelikula sa loob lamang ng limang araw.
Sa kanilang caption, ipinahayag ng film oufit ang taus-pusong pasasalamat sa viewers ng pelikula.
Patuloy na nakatatanggap ng magandang reviews ang pelikulang ito na binuo sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Ang Hello, Love Goodbye ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga overseas Filipino Workers (OFWs) para sa kanilang mga pamilya at pagtupad sa sariling mga pangarap.
Samantala, sinabi ni Molina sa isang panayam na bukas siyang gumawa ng sequel ng nasabing pelikula.
A weekend full of LOVE dahil sa inyo! Maraming, maraming salamat po sa mga pusong naabot at naniwala sa kwento ng #HelloLoveGoodbye ❤️❤️❤️ #HelloLoveMonday pic.twitter.com/ICiVpuRo11
— Star Cinema (@StarCinema) August 4, 2019