Preso, nakatakas sa Bilibid

 

Inquirer file photo

Isang preso ang nakatakas sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sa pamamagitan ng text message, kinumpirma ni NBP Superintendent Richard Schwarzkopf na may isang nawawalang inmate sa naturang piitan.

Ayon sa source ng Inquirer, nakadiskubre ang mga jail guards ng isang kalaykay o ‘rake’ na may tali sa isang bahagi ng pader ng bilangguan na naging dahilan upang agad na magsagawa ng headcount sa mga preso.

Dito nadiskubre na nawawala ang isang alyas ‘Teteng’ mula sa Dorm 12-B kung saana ng mga inmate ay walang kinaanibang gang.

Iniimbestigahan na ng NBP ang insidente.

Read more...