Mag-videoke na lang sa pagsalubong ng Bagong Taon-Marcos

 

Mula sa google

Umapela si Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa publiko na ligtas na salubungin ang Bagong Taon.

Ayon kay Marcos, labis na nakababahala ang ulat ng Philippine National Police at Department of Health na aabot na sa halos 60 kaso ng gun at firecracker incident ang naitatala ngayong panahon ng kapaskuhan.

Dapat aniya na maging responsible ang publiko at tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Sa halip aniya na magpaputok ng baril at gumamit ng mga paputok, mas makabubuti kung idadaan na lamang sa kantahan at iba pang uri ng kasiyahan ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Nabatid na noong 2014, umabot sa 600 ang naitalang nasaktan dahil sa paputok habang 61 insidente naman ang naitala na kaso ng tinamaan ligaw na bala.

Read more...