12 arestado ng NCRPO dahil sa ilegal na pagsusugal

Arestado sa ikinasang operasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang labingdalawang katao dahil sa pagsusugal.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, dinakip ang 11 sa mga suspek dahil sa paglabag sa RA 9287 o Illegal Numbers Game habang ang isa ay dahil sa paglabag sa PD 1829 o Obstruction of Justice at sa kasong Direct Assault upon an Agent of Person in Authority.

Kinilala ang mga nadakip na sina:
• Analyn Esquillo, alyas “Tisay”, 44-anyos, Bet Collector
• Francisco Buno, alyas “Boyet”, 63-anyos Operator/Kabo
• Arthur Flores, 48-anyos
• Carmelita Dioneda, 31-anyos, bet collector
• Orbe Ulijan, 50-anyos, Bet Collector
• Arlin Santos, 55-anyos, Bet Collector
• Alfredo Combalecer, 53-anyos, Bet Collector
• Criselda dela Cruz, 44-anyos, Bet Supervisor/Kabo
• Joselito de Pablo, 43-anyos, Bet Collector
• Amado de Pablo, 68-anyos, Bet Collector
• Erlinda San Jose, 53-anyos, Bet Collector
• At si Jean Bernal, 41-anayos, Bet Collector

Ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City, Parañaque City, Pasig City at Las Piñas City kung saan ang mga suspek ay naaktuhan sa pagtaya at pagpapataya ng “Lotteng/EZ2” at “Lotteng/6/42.”

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit P8,000 halaga ng mga perang itinaya sa Lotteng.

May nakumpiska ring mga gambling paraphernalia gaya ng ‘rotohan’ at ‘papelitos’, lotto betting booklet, central lotteng booklet at iba pa.

Read more...