Rekomendasyon ng DOH sa Dengvaxia vaccine pakikinggan ni Pangulong Duterte

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III kung gagamiting muli o hindi ang Dengvaxia vaccine.

Pahayag ito ng Palasyo mtapos ang ulat ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa mahigit 100,000 ang kaso ng dengue na naitala sa bansa mula Enero hanggang Hulyo ngyong taon kung saan mahigit 400 katao na ang nasawi.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaring matalakay sa cabinet meeting bukas, araw ng Lunes, August 5, ang usapin sa Dengvaxia.

Pinakakalma ng palasyo ang publiko dahil ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para maagapan ang sakit na dengue.

Read more...