Security guard na nanghalay sa kasambahay arestado sa Marikina City

Nahuli ng pulisya ang isang security guard na suspek sa panggagahasa sa isang kasambahay sa isang subdivision sa Marikina City.

Sa ulat na inilabas ng pulisya, nadakip ang 61 anyos na salarin na tinatawag sa alyas na ‘Bong’ na sampung taon ng security guard sa subdivision.

Ayon naman kay Ayon kay Police Capt. Jervies Soriano, hepe ng Station Special Operations Unit ng Marikina City Police, sinasaktan at dalawang beses ginahasa na ginahasa ni ‘Bong’ ang 19 anyos na kasambahay.

Tatlong buwan pa lang nagtatrabaho ang biktima bilang kasambahay sa subdivision nang mangyari ang insidente.

Itinanggi naman ng suspek ang krimen at sinabing nagroronda siya noong gabing iyon.

Mahaharap si ‘Bong’ sa kasong paglabag sa republic act Republic Act 8353 o panggagahasa.

Read more...