Metro Manila, malaking bahagi ng Luzon uulanin hanggang sa Martes dahil sa Habagat

Napanatili ng tropical depression ‘Hanna’ ang lakas nito habang kumikilos sa direksyong north-northwest.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,070 kilometers East ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong north-northwest.

Ayon sa PAGASA, hindi naman inaasahang tatami sa kalupaan ang naturang bagyo.

Samantala, simula ngayong araw ng Linggo (Aug. 4) hanggang sa Martes (Aug. 6) ay makararanas pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan dahil sa Habagat ang malaking bahagi ng Luzon.

Kabilang sa maaapektuhan ng pag-ulan ang mga sumusunod na lugar:

• Metro Manila
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Pampanga
Bulacan
• Rizal
• Cavite
• Batangas
• Laguna
• Mindoro provinces
• northern portions ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands
• Romblon
• Aklan
• Antique

Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Quezon, at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Central Luzon at Visayas.

Read more...