Sa panayam ng Radyo Inquirer, hindi naman direktang tinukoy ni Gordon ang French company na Sanofi Pasteur.
Ayon kay Gordon, dapat suriin muna ang bakuna bago ipamahagi muli sa publiko.
Hindi aniya maaaring magsupply ang gobyerno ng naturang bakuna at sasabihin ng supplier na hindi nila alam ang epekto nito sa tao.
Iginit pa ng senador, hindi pa tanggap ang vaccine sa buong mundo kung kaya’t nararapat na mga doktor ang sumubaybay sa pagbibigay nito sa mga tao.
Dapat ay may konsultasyon muna ang mga kukuha ng vaccine sa eksperto na magsasabi kung ano ang dapat ingatan sa kanilang katawan, kung nakaranas na noon ng dengue, o unang kung beses pa lang makatatanggap ng bakuna.
Base sa talaan ng Department of Health (DOH), mahigit sa tatlong libong katao na naturukan ng dengvacia ang naospital mula 2016 hanggang 2018.