My Bebe Love patuloy sa pagtabo sa takilya

 

Inquirer file photo

Patuloy na nangunguna sa takilya ang pelikulang ‘My Bebe Love na pinagbibidahan ng sikat na tandem na Maine Mendoza alyas Yaya Dub at Alden Richards, Vic Sotto at Ai Ai De Las Alas.

Base sa instagram post ni Delas Alas, nasa P64 milyong na ang gross ticket sales ng ‘My Bebe Love’ habang nasa pangalawang puwesto ang ‘Bbeauty and the Bestie’ na may P39 million.

Nasa pangatlong puwesto ang ‘Haunted Mansion’ na may P19 million.

Nasa ikahuling pwesto naman ang ‘Nilalang’ na pinagbibidahan ni Japanese porn star Maria Ozawa na may P1.1 million pesos.

Read more...