Nasawi sa pamamaril sa Texas, umabot na sa 20

Pumalo na sa 20 ang patay sa naganap na pamamaril sa isang shopping mall sa El Paso, Texas.

Ito ay ayon kay Texas Governor Greg Abbott na namamahala sa nasabing lugar.

Ayon kay El Paso Police Chief Greg Allen, iimbimbistigahan na ng mga awtoridad ang posibilidad hate crime ang insidente.

Nasugatan naman ang 26 na tao na ginagamot na mga mga ospital.

Karamihan sa mga nabiktima ay nasa isang grocery shop na malapit sa naturang mall.

Samantala, nakakip na ng mga awtoridad ang suspek na si Patrick Crusius, 21 anyos na mula sa Dallas.

Ang El Paso ay may 680,000 na residente na nasa West Texas malapit sa border sa may Juarez, Mexico.

Read more...