Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi maaring pairalin ang naturang polisiya ni Pangulong Duterte kapag may nahuhuling NPA.
Sa talumpati kasi ng pangulo sa pamamahagi ng certificate of land title sa Davao City noong Biyernes (Aug. 2), sinabi nito na kung ano nang gagawin ng NPA sa mga pulis o sundalo ay ganun din ang ibubwelta ng gobyerno.
Ikindismaya kasi ng pangulo ang ginawang pag-torture at paglaslas ng NPA sa apat na pulis bago pinatay sa Ayungon, Negros Oriental noong July 18.
Ayon kay Panelo, hindi ito-torture ng gobyerno ang isang suspek na naaresto ngayon ng mga pulis sa Ayungon.