Sotto sa mga senador: Magtimpi sa mga pagdinig

Muling nakiusap si Senate President Vicente Sotto III sa kanyang mga kapwa Senador na magtimpi at maging mahinahon sa mga pagdinig sa Senado at tumutok lamang sa mga isyus.

Paalala ito ng Pangulo ng Senado sa harap nang pagsisimula ng committee hearings ang mga meetings sa mataaas na kapulungan ngayong linggo.

Sabi ni Sotto, pinaalalahanan na niya ang mga senador na sa paghawak sa mga pagdinig ng kani-kanilang mga komite in “aid of legislation”
Aminado ang mambabatas na hindi maiiwasan na magalit ang mga senador pero huwag naman sana susobra at wala sa lugar.

Hindi bababa sa labin’dalawang committee hearings at meetings ang nakatakda ngayong linggo sa senado, kung saan ang isa ay ang isyu na bumabalot sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sa huwebes gaganapin ang naturang pagdinig sa pangunguna ng Chairman ng Senate Blue ribbon Committee ni Senator Richard Gordon.

Read more...