Halos P20B na halaga ng gamot nasayang lamang at hindi naipamahagi ng DOH noong 2018

Nais paimbestigahan ng isang mambabatas sa Kamara ang naging findings ng Commission on Audit(COA) sa diumano’y P18.9 Billion na halaga ng mga gamot na naimbak na lamang na dapat sana ay naipamahagi noong 2018.

Naghain si Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor ng House Resolution 145, para himukin ang House Committee on Health na imbestigahan ang aniya’y “unusually huge hoard” ng mga mesidina na hindi naipamahagi ng Department of Health.

Aniya, tungkulin ng mga opisyal ng gobyerno na siguraduhing napakikinabangan ng mamamayan ang mga suplay at hindi nasasayang lamang.

Batay sa kanilang annual audit report sa DOH, nadiskubre ng COA na ang halaga ng mga naka-imbak na mga gamot ay tumaas sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.

Mula sa P10 billion noong 2015, ang halaga ng overstocked drugs at mga medisina ay tumaas ng P11.3 billion sa 2016; P16 billion noong 2017; and, P18.4 billion noong 2018.

Ayon sa COA, ang mahinang procurement planning ng Procurement and Supply Chain Management Team at ng DOH programs sa paghahanda ng kanilang purchase requests ang dahilan ng overstocking ng mga medisina.

Para kay Defensor, hindi katanggap-tanggap ang kapabayaan ng DOH para pangasiwaan ang kanilang inventories sa mga gamot lalo’t maraming mga mahihirap na Filipino ang higit na nangangailangan ng gamutan.

Read more...