Nasawi sa paglubog ng tatlong pampasaherong bangka sa Ilo Ilo – Guimaras strait nasa 25 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa tatlong mga pampasaherong bangka lumubog sa karagatang sakop ng Iloilo-guimaras Strait noong sabado dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa kasalukuyan ay umakyat na sa Dalawamput’lima ang mga nasawi matapos marekober ang tatlo pang mga bangkay linggo ng umaga ng August 4.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard, ang masungit na panahon dulot ng hanging habagat ang naging sanhi ng paglubong ng tatlong pampasaherong Bangka.

Nangyari ang insidente nang lumubog ang M/B Che-che at M/B Keziah na may lulang Limamput’isang pasahero at crew members, pasado alas 12:15 sabado ng hapon.

Sa limamput’isang sakay ay apatnaput’isa ang nailigtas.

Sabi ni Donna Magno, ang pinuno ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Council, patungo sana sa Guimaras ang M/B Che-Che mula sa Iloilo, habang ang M/B Keziah naman ay pabalik.

Ang pangatlong insidente naman ay kinasangkutan ng M/B Jennyville na may lulang tatlumpu’walong pasahero.

Nangyari ang insidente pasado alas 3:00 ng hapon. Isa ang naitala na nasawi.

Hinahanap naman ang iba pang pasahero ng M/B Jennyville.

Read more...