Marian Rivera, may regalong painting kay Dingdong Dantes

Binigyan ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes ng isang painting para sa birthday nito.

Sa Instagram post ni Dingdong, sinabi nito kinuntyaba ni Mariane ang kanilang kumpare na si Mark Rocha Padernal na gumawa ng painting para sa kaniya.

Ipinapakita sa naturang painting na kalong ni Dingdong ang kanilang bunsong anak na si Baby Ziggy.

Tuwang-tuwa sa regalo si Dingdong at nagpasalamat sa asawa dahil sa magandang bigay nito.

Nagbakasyon ang pamilyang Dantes habang nagdiriwang ng kaniyang birthday noong August 2.

Read more...