Tropical Depression Hanna, Habagat patuloy na magpapaulan

Palalakasin ng Tropical Depression Hanna ang Southwest Monsoon o hanging Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa buong bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 1,095 kilometers silangan ng Infanta, Quezon.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang alas 3:00 ng madaling araw, may dalang hangin na may 55 kilometers per hour ang bilis at pagbugso na nasa 70 kilometers per hour.

Kasalukuyang tinatahak ng bagyo ang west northwest na direksyon sa bilis na 15 kilometers per hour.

Inaasahan naman na lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa August 9 kung hindi ito agad malulusaw.

Read more...