29 bahay, tinupok ng apoy sa Davao City

Nasunog ang 29 na bahay ng isang komunidad ng mga informal settlers sa Davao City kahapon, August 3.

Ayon sa Davao City Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa 8A village bandang alas 2:00 ng hapon.

Sa ulat naman na inilabas ng mga imbestigador, sa bahay ng isang Ricky Lumbadan nag-simula ang apoy dahil sa nag-overheat na television set.

Tumagal ang sunog ng halos dalawang oras at idineklarang fire out ng alas 4:06 ng hapon.

Kasalukyang nasa evacuation center ng village ang 32 pamilyang naapektuhan.

Walang naitalang nasugatan o nasawi sa naturang insidente.

Read more...