Klase sa Maynila, kanselado na

Sinuspende na ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ngayong araw, August 4, 2018.

Ayon sa anunsyo ng Manila Public Information Office, kasama sa walang pasok ang mga nasa Graduate school.

Dahil pa rin ito sa masamang lagay ng panahon dulot ng Southwest Moonsoon o hanging Habagat na nagdadala ng mga malalakas na pag-ulan at pagbaha sa nasabing lungsod.

Kahapon ay nilubog ang ilang lansangan at lugar sa lungsod ng Maynila kabilang na ang Taft Avenue, Pedro Gil, Malate, at Tondo.

Read more...