Cancelled flight sa NAIA terminal 4, inanunsyo ng MIAA

Naglabas ng abiso ang Manila Interntional Airport Authority (MIAA) hinggil sa kaselandong flight dahil sa masamang lagay ng panahon.

Base sa Flight advisory no. 3 na inilabas bandang alas 2:31 ngayong hapon, kinansela ang flight ng CebGo Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 na may flight number DG6057 at 6058 na biyahe mula Manila patungong Busuanga at byahe mula Palawan patungong Manila.

Pinapayuhan naman ang mga pasaherong apektado ng nasabing flight na makipag-ugnayan sa pamunuan ng nasabing airline o sa tanggapan ng MIAA.

Bandang alas-3:00 naman ngayong hapon, kinansela rin ang flight ng Skyjet na flight M8 713 at 714 na may kaparehong biyahe ng CebGo airline.

Nauna ng nag anunsyo ang MIAA ng mga devirted at delayed flights ngayon araw dahil sa masamang lagay ng panahon na umiiral sa Bansa.

Read more...