Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 875km sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes bandang alas-10 ng umaga ngayong Sabado, August 2, 2019.
Sinasabing mas palalakasin pa ng hanging Habagat na nakakaapekto sa ilang bahagi ng Visayas, Bicol region at ilang lugar sa Mindanao ang LPA.
Papangalanan namang “Hanna” ang LPA kung sakaling tuluyang maging isang ganap na bagyo.
Samantala, makakaranas ng maulap na papawirin at kalat kalat na mga pag ulan at kidlat ang iba pang bahagi ng Luzon at ng Visayas.
Samantala, pinayuhan naman ang lahat at ang mga kinauukalan na mag ingat at mag monitor sa mga update sa kanila kanilang mga tahanan.