Menor de edad na nagpaulan ng bala sa isang Food Festival sa Northern California, nagpakamatay

Patay ang 19-anyos na suspek na kinilalang si Santino William Legan matapos nitong barilin nito ang kanyang bibig.

Ayon sa spokesperson ng Santa Clara County coroner’s office na si Cindy Gallego, agad na binawian ng buhay si Legan matapos ang ginawang pamamaril sa sarili ngunit hindi binanggit kung nagtamo ba ang suspek ng sugat mula sa pakikipagpalitan ng bala sa mga pulis.

Samantala, pinuri naman ng hepe ng Gilroy Police na si Scot Smithee ang tatlong opisyal na nakasagupa ng suspek.

Aniya, posibleng mas marami pang nasaktang mga sibilyan kung sakaling hindi nila naagapan si Legan.

Kabilang sa mga nadamay at nasawi sa ginawang pamamaril ni Legan ang isang anim na taong gulang na batang lalaki at 13-anyos na babae.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na ligal na binili sa Nevada ang “AK 47-variant” ng assault-style rifle na ginamit ng suspek sa ginawang mass shooting sa isang Food Festival sa Northern California.

Read more...