Magnolia Hotshots playmaker Jio Jalalon, ikinasal na

Ikinasal na ang Magnolia Hotshots playmaker na si Jio Jalalon sa kanyang long term girlfriend na si Kristina Apan nitong Biyernes, August 2, 2019.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jalalon ang video ng paghahanda nila sa kanilang kasal na may caption na “08.02.2019” at hashtag na “TINAdhanakayJIO”.

Imbitado sa naganap na kasalanan ng dalawa ang malalapit nilang kaibigan pati na rin ang mga ka-teammate ni Jalalon sa Magnolia kagaya nina Marc Pingris at Mark Barroca.

Imbitado rin sa nasabing kasalanan ang head coach ng kanilang koponan na si Chito Victolero at Alvin Patrimonio.

Anim na taon muna ang pinagsamahan ng dalawa bilang magkasintahan bago sila nauwi sa kasalan.

Read more...