Ayon kay Lacson hindi siya sigurado kung naaayon sa batas ang gusto ni Pangulong Duterte.
Paliwanag ng senador, ang mga pulis ang tagapagpatupad ng batas at sila ay may memorandum receipt o MR para sa mga baril na ibinibigay sa kanila.
Aniya maari naman magdala ng kanya-kanyang baril ang mga bumbero kung sila ay may permit to carry firearms outside residence o PTCFOR.
Ngunit, ayon pa kay Lacson, hindi maari na ang hepe ng buong Bureau of Fire Protection ang mag-apply para sa lahat ng bumbero.
Sinabi pa ng senador na kailangan sumailalim sa neuro-psychiatric test, gun safety seminar at iba pang tests ang mga may aplikasyon para makapagbitbit ng baril.
Pagdidiin pa nito hindi kasama sa mandato ng BFP ang magpatupad ng mga batas.