DFA: Walang Pinoy na nadamay sa mga pagsabog sa Bangkok, Thailand

(AP Photo/Gemunu Amarasinghe)

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang nadamay sa serye ng pagsabog sa Bangkok, Thailand.

Sa isang statement, pinag-iingat ng DFA ang mga Filipino sa nasabing bansa.

Base sa monitoring ng DFA ay ligtas din anila ang mga Pinoy na dumadalo sa 52nd ASEAN Foreign Ministerial Meeting.

Apat katao ang nasugatan sa pagsabog na nangyari sa syudad ng Bangkok Biyernes ng umaga.

Wala pang grupo ang umaako sa nasabing pagsabog.

Maaari namang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Bangkok ang mga Filipino na nais humingi ng tulong.

Read more...