Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na hindi pa sila naglalabas ng rekomendasyon para sa pagdedeklara ng martial law sa Negros Island.
Ito ay kaugnay sa sunud-sunod na mga kaso ng pagpatay sa nasabing lugar.
“We have not came up with or have been asked of our recommendation yet,” ayon kay Brig. Gen. Edgard Arevalo, spokesperson ng AFP.
Ipinaliwanag ni Arevalo na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local executives sa Negros Island at doon nila ibabase ang kanilang rekomendasyon kung meron man.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-aaralan niya ang martial law declaration sa Negros Island dahil sa patuloy na panggugulo ng pwersa ng New People’s Army sa lugar.
Mula noong nakalipas na linggo ay umakyat na sa 17 ang bilang ng mga namatay dahil sa kaguluhan sa ilang lugar sa Negros Oriental.
Kabilang dito ang apat na police officers na pinahirapan at pinatay ng mga NPA, isang abogado, isang school principal at chairman ng barangay.
Nagdagdag na rin ng pwersa ang militar at pulisya sa ilang mga lokalidad sa lalawigan.