Tumaas ang water level sa Angat Dam at La Mesa Dam dulot ng patuloy na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.
Kaninang alas-sais ng umaga, araw ng Sabado ang water level sa Angat Dam ay umabot na sa 167.17 meters.
Mas mataas ito sa 166.02 meters na naitala hapon ng Biyernes.
Umakyat naman sa 74.65 meters ang water level sa La Mesa Dam alas-sais kaninang umaga.
Mayroon itong bahagyang pagbabago kumpara sa lebel ng tubig kahapon na 74.48.
Ang nasabing mga dam ang siyang pangunahing nagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila
Sa kabila nito ay patuloy naman ang pakiusap ng Natiowal Water Resources Board sa publiko na magtipid pa rin sa paggamit ng tubig.
Ang kasalukuyang antas ng tubig sa Angat Dam ay malayo pa sa normal na water level nito na umaabot sa 180 meters.