Metro Manila at kalapit na mga lugar nasa yellow rainfall warning pa rin

Nakataas pa rin ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan batay sa Pagasa update alas 2:00 ng madaling araw.

Bukod sa Metro Manila, nasa yellow rainfall warning din ang mga lalawigan ng Zambales, Cavite at Bataan.

Inasahan ang baha sa mga flood-prone areas dahil sa pag-uulan.

Sa Maynila, umiiral ang katamtaman hangang malakas na ulan partikular sa Malate, Quiapo at Sampaloc.

Mayroon na ring gutter deep na baha sa bahagi ng Lawton at ilang pasahero ang stranded.

Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-uulan ang nakakaapekto sa Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal, Batangas at ilan pang kalapit na lugar.

Ayon sa Pagasa, iiral ang yellow rainfall warning sa loob ng 3 oras.

Pinayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang susunod na weather advisory alas 5:00 mamaya.

Read more...