Bangkay ng babae natagpuan sa palaisdaan sa Valenzuela

Google map

Natagpuan ang bangkay ng isang babae na ibinalot sa kumot sa isang palaisdaan sa Valenzuela araw ng Biyernes.

Una rito ay nagtanggal ang mga tauhan ng Waste Management Office ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ng mga water lily sa palaisdaan sa A. Concepcion Street sa Barangay Pasolo para makita ang bangkay ni Rosalie Mission Sagal na noon pang July 20 nawawala.

Kalaunan ay nakita ang isang bangkay ng babae na nakabalot sa kumot na natabunan ng mga water lily.

Dinala ang bangkay sa crime laboratory ng SOCO sa Camp Crame para sa autopsy.

Nakipag-ugnayan na ang mga otoridad sa pamilya ni Sagal para kilalanin kung ang bangkay ang nawawala nilang kaanak.

 

Read more...