M7 na lindol tumama sa Indonesia; tsunami warning inilabas

Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Sumatra at Java sa Indonesia Biyernes ng gabi.

Kasunod nito ay naglabas ang Indonesian geophysics agency ng tsunami warning.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), nasa magnitude 7 ang pagyanig na may lalim na 59 kilometers o 37 miles o 227 kilometers mula sa syudad ng Teluk Betung sa Java.

Hinimok ng mga otoridad sa Indonesia ang mga nakatira malapit sa coastline na lumikas sa mas mataas na lugar dahil sa banta ng tsunami.

Ayon sa Indonesia’s disaster mitigation agency, kailangang umalis agad ang mga residente sa Banten coast at lumipat sa ligtas na lugar.

Patuloy na nararamdaman ang malalakas na aftershocks sa Jakarta, dahilan ng pag-alis ng mga tao mula sa mga gusali.

Wala namang agarang ulat ng casualties o matinding pinsala bunsod ng malakas na lindol.

 

Read more...